D*MN!!! SH*T!!!
Nakakabigat ng pakiramdam.
Bakit kaya minsan or hindi pala! should i say MADALAS may mga tao talaga na mahirap paliwanagan. Makitid ang pagiisi[p, laging side lang nila ang tama, parating yung opinyon mo ang mali at ang napupuna mo ang hindi maganda. Sa mga ginagawa mong pagtulong nagiging MAYABANG ka pa. HAYYY!!! You're doing the help pero ikaw pa rin yung mali.
Nakakasama lang ng loob at nakabubuo pa ng hinanakit.
Nag papakapagod ka sa trabaho - magdamag nakaharap sa computer at tumatanggap ng walang kamatayan tawag tapos pag uwe mo may makakaaway ka pa. Ayos di'ba? Astig! Lakas lang makaasar. Ang masama pa non lahat nauungkat pag nagkakagalit, lahat nababanggit. Kahit ata nangyari nung hindi ka pa marunong magsalawal isusumbat sa'yo. Yung tipong kahit nung di ka pa tuli mapaguusapan niyo.
Ewan ko ba! Ang hirap, sobrang hirap! Walang malabasan ng sama ng loob, buti nalang may BLOG- atleast meron akong way to release all of this.
Kung bugok lang siguro talaga ko matagal ko ng nakasuntukan tong tao na to! Walang malinaw na dahilan- biglang magagalit. Walang matibay na basehan- magsususpetsa. AT ANG MATINDI, KAPAG SIYA ANG PINAGHINALAANA MO "SOBRANG SAMA KA!" Kung pwede lang na palitan siya tiyak noon ko pa ginawa! Kaso wala na, eto na. Sabihin na natin na OO, sa ibang aspeto masaya kami na siya yung naging pare ng buhay naming lahat. Pero kung titignan at susuriin mo sa kabuuan - TAOB! Meaning wala sa lebel, hindi pantay.
But after all of this, kahit gaano man kasama yung ginagawa sa'min ng taong ito STILL
SIYA pa rin ang TATAY ko at ang padre de pamilya. Kahit anong gawin ko, pagbali baligtarin man ang mundo siya pa rin ang taong nagtaguyod at tumulong upang marating ko kung ano man AKO ngayon.
DAHIL ANG TAMA AY ANG PAGLINGON SA KUNG ANO AT SINO AND AKING PINANGGALINGAN.
Kung may sama man ng loob palitan ng pagmamahal. Sa bawat galit palitan ng ngiti at saya ng buhay. Walang mangyayari kung patuloy lang sa pagsimangot at pagintindi sa mga bagay na hahatak lang sa'yo paibaba at pipigil ng iyong pagunlad. Sapagkat ang taong matatag marunong humarap sa problema. Problema man sa barkada, sa eskwela, sa trabaho, sa sarili o sa PAMILYA.

No comments:
Post a Comment