Ang lamig! - ang sarap sana matulog pag ganitong umuulan - kaso baligtad ang nangyari :(
I fell asleep LATE! tapos nung nasakasarapan na ko matulog saka naman dapat gumising dahil kailangan ng magtrabaho. So no choice but to get up and do mu stuff.
I fell asleep LATE! tapos nung nasakasarapan na ko matulog saka naman dapat gumising dahil kailangan ng magtrabaho. So no choice but to get up and do mu stuff.
Habang kumakain nakakaramdam na ko ng ginaw parang may hindi tama sa pakiramdam ko. Naligo pero may kasamang mainit na tubig dahil malamang nagyelo ako kung pinaligo ko yung pagka lamig lameg na tubig na yun at hindi na ko nakalabas ng banyo. Nagbihis, nag ayos ng gamit at umalis ng bahay.
"Aba teka! May ano? Baha na sa daan!"
"Kanina pa ganyan diyan kuya" sabi ng kapatid ko na hinatid ako sa sakayan.
"Lintek namang falon to!" - ako
Luckily after that may dumaang tricycle - sakay naman agad ako. At habang nasa daan ... saan ka pa? naka tayo sa loob ng tricyle! Dahil halos kalahati nung sasakyan pinasok ng baha! Buti nalang at tama yung tirada ko na magshort pagpasok at sa opisina nalang magpalit.
After that nagantay ng Fx going to MRT North, swerte ulit! Maya-maya lang may dumating agad. Take note! Maayos yung napwestuhan ko, sa harap. Sabi ni manong driver ganun raw talaga pag may bagyo mahina ang pasada mahina rin ang kita. (Naiyak naman ako konti! haha)
Nakababa ng maayos sa MRT Station sa North Ave. Yun nga lang parang lalo naman lumalakas yung ulan. AYOS TALAGA PARENG FALCON!!! Buti nalang naka value card ako ^^. ( Nagendorse???) Pagpanik ko sa taas nak ng nanay naman o! Nilamig na naman ako sa lakas ng hangin. Pag dating ng train naguunahan mga tao kahit kokonti lang kami. Hindi pa ko tumatagal nakaupo nagsimula akong mailang sa titig nung nasa harapan kong chikas at yung katabi kong lalaki. Umadar na, nakatingin sila sa katawan ko. Nahiya naman ako! Hindi ko pa rin pinansin ... Cubao station - may dumagdag pang isang babae ulit umupo sa kabilang linya ng mga upuan. Tinignan ko kung ano yung tinitignan nila yun pala yung katawan ko nanginginig na nga kusa sa lamig! Bengga! Ang lupit mo talaga pareng falcon!
Finally ayun, nakarating naman sa office ng matiwasay at HINID LATE :))

No comments:
Post a Comment