" Kuya! kuya! gising ayan na BAGYO!!! "
Naistorbo tulog ko dahil sa sigaw ng kapatid ko. Naalala ko nga pala na
binilin ko sa kanya na gisingin ako oras na umulan ng malakas para maaga
makapasok ( iwas late Ü ).
Nakakalimang oras pa lang ata ako nung gisingin ako, ni wala pa sa climax ng
panaginip ko. NO CHOICE ... kilos na agad para magayos para pumasok.
Kumaen, naligo, syempre nagbihis :), umalis ( huwag na ikwento yung about sa SK masyadong hahaba! )
WALANG HANGIN, WALANG BAHA, MAY AMBON NGA- mas malakas pa ata talsik ng laway sa patak! ayun ...
Mga quarter to 9pm dumating ako sa opis.
" o Jomar himala ang aga mo ata?! "
Aba lintek si Ate guard parang araw araw naman akong late sa reaksyon niya!
" e may bagyo ate we. hahaha. Iwas late. "
Masama bang maaga pumasok ? Sabagay nasanay na rin siguro si Ate na
lahat ng co-agents ko nakapwesto na sa mga station nila ako
papetiks petiks pa habang naglalakad papasok. ..
Lintek na CHEDENG to! Sobrang aga ko tuloy pumasok ~_~
Sarap pa naman matulog. brrrrrr ... LAMIG ^^

No comments:
Post a Comment